Sunday, 14 June 2015

Naranasan mo na bang masulutan ng kasintahan ng dahil kay kaibigan, matalik na kaibigan or kahit kay pinsan o pamangkin or kung ano mang uri ng kapamilya meron ka? Ako oo. Hindi lang isang beses o dalawa, pero ang natatandaan ko eh mga apat beses lang naman. 

Sulutan: Blood is thicker than water Episode 1

Una sa pamangkin ko. Sobrang crush na crush ko talaga yung lalake. Since bata pa ko crush ko na talaga siya. Chilhood crush nga sabi nila. Eh lumipas ng maraming taon,  dumating yung time na nagkaroon ako ng number niya dahil narin sa sobrang eager ko na makausap siya, text dito, text dun. Getting to know each other kung baga. Tapos hanggang sa dumating yung time na nagsasabi na siya na gusto na niya akong ligawan. Eh ako naman as in sobrang tagal kong na siyang crush eh tapos biglang liligawan ako, syempre kilig ang inabot ko. Pero eto na nga, Ligawan days palang yun ng nagbakasyon ang pamangkin ko dito sa amen. Hindi kami magkalayo edad kaya sobrang close kame. As in lahat ng secrets namin ay ipinagkakatiwala namin sa isa’t isa. So etong si crush, kada gabi tumatawag sakin, eh di syempre naririnig niya. Then habang tumatagal nagtatanong yung pamangkin ko about kay crush so ako naman sabi naman “gwapo, mabait, matalino, conyo type, aeronautics ang kurso at kung ano ano pa” Actually kapit bahay lang namin siya eh. 

Tapos eto na nga, isang araw nagtext yung crush ko sakin tinatanong kung kaano ano ko daw ba si (*insert pamangkin’s name) aba syempre nagulat ako at tinanong ko siya pano niya nakilala yun, then sabi niya katext niya daw ngayon. WOW lang.! Kasi hindi ko naman binigay kay pamangkin yung number niya at hindi naman ako nakitext sakanya. So i asked her if pano niya nalaman yung number ni crush then hindi siya nakasagot! Then naisip ko na siguro habang tulog ako eh kinuha niya yung number sa cellphone ko! Bitch talaga! FVCK! Then ayun na, sinabi saken ni crush na sinabi ng pamangkin ko na niloloko ko lang daw siya dahil may boyfriend daw ako.  Syempre ako naman si todo tange dahil hindi naman yun totoo. Grabe, alam mo yung pakiramdam na sarili mo pang pamangkin yung sisira sayo para lang agawin yung lalakeng gusto mo. Eh ano nga naman ako kumpara sa pamangkin ko. Mas maganda, payat at maputi siya. Ano naman laban ko dun? So ayun na nga. Hindi na nagtetext si crush saken, kung dati ako lagi may katext aba ngayon si pamangkin hindi halos mabitawan yung cellphone niya. Ilang araw ko siyang hindi binati nun sa loob ng pamamahay namin dahil sobrang galit nga ako sakanya.  Tapos sa sala ako natutulog at dun siya sa kwarto ko, bait ko eh. Then eto na yung time na sobra akong nasaktan. Inapproach ako ni pamangkin at nagsorry. Ako naman si tanga nagpatawad kahit sobrang sakit. Kasi in the first place pamangkin ko siya eh. Tapos dumating yung point na baligtad na yung nangyayare, sila na yung naguusap, sila na yung magkatext tapos ako tamang tahimik lang. 

Then one time nagpasama yung pamangkin ko kasi pinapupunta daw siya sa bahay nila crush, hindi kasi siya pwede umalis ng hindi ako kasama. So ako naman si tanga sumama para lang din makita si crush. Pagkapasok namin sa bahay nakita ko si crush at yung isang niyang tropa. Tapos may inabot kay pamangkin. Pasalubong galing sa baguio. Tapos sabi nung tropa niya “Oi pre etong isa wala?” *Akward silence* Tapos biglang nalang akong sumigaw“Tara laro na tayo ng Scrabble” Alam mo yung pakiramdam ko nun habang nakikita silang dalawa para akong pinupunit sa sakit. Yung pinangarap kong lalake eh mapupunta lang sa pamangkin ko. Hanggang sa nabalitaan ko nalang nung bago umuwi yung pamangkin ko galing sa bakasyon dito samen ay officially mag On na daw sila. At si crush pa ang naghatid sakanya pauwi ng Manila. Saket no? Wala eh. Sobrang mapagbigay at mabait ako eh. Kahit na alam kong masakit nagpaubaya nalang ako dahil ako ang mas nakakatanda at ako ang tita. Kahit naman na alam niyang mali yung ginawa niya hindi parin niya ititigil yun dahil maraming nagsasabing Bitch ang pamangkin ko. Well, i guess tama nga sila dahil kahit ako na tita niya ay kinatalo niya dahil lang sa isang lalake na alam niyang gustong gusto ko. 

Pero thankful ako kasi hindi rin naman sila nagtagal almost two months lang sila kase narealize daw ni crush na hindi sila bagay dahil sobrang childish daw ng pamangkin ko which is true. Naalala ko pa nun tumawag yung pamangkin ko at kinwento nga na break na sila ni (*insert crush name) kase parang kapatid lang daw ang turing ni crush sakanya. Of course dinamayan ko naman siya pero deep inside eh masaya ako dahil wala na sila at magkakachance na siguro ako? Pero later on, hindi ko na din tinuloy yung pag paparamdam kay crush. Nafall out of like? Ewan? Well, let me put it this way,  ano nalang sasabihn ng parents ko o ng ibang relatives ko once na naging kame? Eh nakilala na siya as boyfriend ng pamangkin ko and later on as her Ex. Ano ako taga salo ng trashbag ng pamangkin ko, or baka ako pa ang mapagkamalan na nanulot ng boyfriend diba?  

At may natutunan ako sa karanasan ko na to, na lagyan ng password ang phone sa kahit anu mang pangyayari.. Until now? Still hoping parin ako sa lovestory namin ni crush. Hahahah lol. Kahit na may gilfriend na siya ngayon at nasa ibang bansa na. 





No comments:

Post a Comment