Siguro eto na yung pinakamasayang araw/summer ko. Well, guess what. Officially pasado na ako sa Final term ng thesis ko. Sobrang nakakaoverwelm lang talaga. Sobrang nagpapasalamat ako unang una sa Diyos Ama dahil hindi niya ko pinabayaan, sa adviser at technical ko pati dun sa mga panelist. Pero higit sa lahat eh dun sa coordinator ng thesis namin simula umpisa hanggang dulo. Dati akala ko napakasungit niya. Takot nga ako dati eh, kasi parang hindi siya aproachable. Pero mali pala ako. Sobrang bait niya pala talaga. Minsan nga napapanaginipan ko pa siya. Well, anyways.. Hindi ko talaga mapigilan yung iyak ko kanina, sobrang hopeless ako pero atleast sabi ni mam pasado na ako, at huwag na mag alala kasi magmamarcha na ako sa oktubre. Alam mo yung sipon ko nun talagang naguumapaw,kulang na nga lang eh yakapin ko siya at umiyak sa balikat niya. Wag ka, kase talagang kailangan kong iyakan yun, dahil ilang beses ko na tong pinangarap at ngayon ay makakamtam ko na.
Nakakalungkot man na iiwan ko na ang aking pinakamamahal na unibersidad eh hindi naman mawawala yung mga magagandang memorya dun, sa mga instructor ko at sa mga kaklase pati na din sa mga tao sa office na laging nagtatanong pag pumupunta ako kung kelan ba daw ako gagraduate. Parang dati lang nung bagong pasok pa ko dun, nene days pa pero ngayon gurang na este matured na. Halos magiisang dekada na ko sa kolehiyo De joke basta ayoko na sabihin kung ilang taon ako dun, pero ganito pala talaga pakiramdam once na alam mong malapit ka nang makatapos at malapit mo nang mabigyan ng diploma yung mga magulang mo na ilang taon nilang pinaghirapan simula ng bata ka pa (Teka naiiyak ako! Drama ko shet!) Basta, sobrang masaya talaga ako lalo na ngayon na pwede na akong magaaplly at makakuha ng magandang trabaho para masuklian ang hirap na dinanas ng mga magulang ko. Ibibigay ko sakanila lahat ang kaya ko kasi sila lang naman ang laging nandyan para sa akin eh. Sila lang at wala ng iba pa.
No comments:
Post a Comment