Sunday, 28 June 2015

Lost in Manila

I woke up just before the sunrise and i have this feeling that this day will be a wonderful day for me. Planned to go to Manila and try to explore all by myself. My thoughts are so loud that i don’t know where will i go. Would i be brave enough to go alone and have courage to explore without someone who can acompany me thruout the day? I’ve been wanting to do this long time ago not just in Manila but anywhere here in Philippines. But i was so scared of the fact I am doing this alone. 

So, here how it goes:

Wednesday, 24 June 2015

HASHTAG HUGOT PA MORE

Isn’t that weird? Napanaginipan ko yung ex ko last week. Out of nowhere bigla nalang siyang pumasok dun sa scene sa panaginip ko with my family. Ang saya daw namin tapos sinamahan niya ako mag serve ng mga foods for the visitors. Parang may birthday daw eh or kung ano mang ocassion. Then nagising ako. Tapos mga bandang hapon nung araw na yun, nagtext si ex. Hahaha. What a coinsidence? Or prediction lang sa panaginip ko kaninang umaga. He said that break na daw sila ng girlfriend niya which is not good i think then lalapit nalang siya sakin. Whew. Since ako mabait ako sa mga past ex ko hindi ako bitter kaya kinausap ko siya. Sabi ko “magkakaayos pa kayo niyan, ganyan naman kayo diba?” so todo text kami. Parang paramdam effect siya. Ganun. Then nung gabi bigla nalang nag text na ok na sila. Hahaha imba. Sabi ko naman good for them atleast diba ok na sila pero parang para sakin hindi kase naisahan nanaman niya ako dun after ko siyang icomfort. Iiwan nanaman niya ako bigla. :(

Hindi ko alam kung bakit ganun ako sa mga naging past relationship ko, na once they needed my support or comfort i just gave it all kahit na sa huli alam kong masasaktan lang din naman ako. Pero wala eh, kaya siguro hanggang ngayon single parin ako kase pakiramdam ko i have to take care of my ex’es pa since i loved them with all my heart naman so when something went wrong with them or their relationship well atleast im here to comfort them. 

Bobo? Tanga? Martyr? Or whatever you can say about me. Yeah i know that. Alam kong mali pero pilit ko pa ding ginagawa. Siguro kase umaasa ako na one day marealize ng isa man sa kanila na ako talaga yung para sakanila. Sabi nga nila diba, love is sweeter the second time around.  Ahh basta something like that.  

Nakakatuwa nga dati eh, yung pang 4th ex ko sinabihan ko pa siya nun nung kame pa na once na hindi na niya ako kailangan sa buhay niya, just tell me para naman alam ko, para kung may iba na siyang nagugustuhan eh maibibigay ko siya ng buo na hindi hahantong sa lolokohin pa niya ako. Ang bait ko. 

Minsan naiisip ko, do i deserve this kind of kindness (Punishment) na sobra akong magmahal ng isang taong hindi naman ganun ang tingin sakin? Na lagi nalang akong paglalaruan o sasaktan o lolokohin? Sana dumating yung panahon na hindi na ganito. Gusto kong maging masaya. Syempre. Gusto ko naman maranasan yung pagmamahal na tulad ng ginagawa ko. 

Sunday, 14 June 2015

Naranasan mo na bang masulutan ng kasintahan ng dahil kay kaibigan, matalik na kaibigan or kahit kay pinsan o pamangkin or kung ano mang uri ng kapamilya meron ka? Ako oo. Hindi lang isang beses o dalawa, pero ang natatandaan ko eh mga apat beses lang naman. 

Sulutan: Blood is thicker than water Episode 1

Una sa pamangkin ko. Sobrang crush na crush ko talaga yung lalake. Since bata pa ko crush ko na talaga siya. Chilhood crush nga sabi nila. Eh lumipas ng maraming taon,  dumating yung time na nagkaroon ako ng number niya dahil narin sa sobrang eager ko na makausap siya, text dito, text dun. Getting to know each other kung baga. Tapos hanggang sa dumating yung time na nagsasabi na siya na gusto na niya akong ligawan. Eh ako naman as in sobrang tagal kong na siyang crush eh tapos biglang liligawan ako, syempre kilig ang inabot ko. Pero eto na nga, Ligawan days palang yun ng nagbakasyon ang pamangkin ko dito sa amen. Hindi kami magkalayo edad kaya sobrang close kame. As in lahat ng secrets namin ay ipinagkakatiwala namin sa isa’t isa. So etong si crush, kada gabi tumatawag sakin, eh di syempre naririnig niya. Then habang tumatagal nagtatanong yung pamangkin ko about kay crush so ako naman sabi naman “gwapo, mabait, matalino, conyo type, aeronautics ang kurso at kung ano ano pa” Actually kapit bahay lang namin siya eh. 

Tapos eto na nga, isang araw nagtext yung crush ko sakin tinatanong kung kaano ano ko daw ba si (*insert pamangkin’s name) aba syempre nagulat ako at tinanong ko siya pano niya nakilala yun, then sabi niya katext niya daw ngayon. WOW lang.! Kasi hindi ko naman binigay kay pamangkin yung number niya at hindi naman ako nakitext sakanya. So i asked her if pano niya nalaman yung number ni crush then hindi siya nakasagot! Then naisip ko na siguro habang tulog ako eh kinuha niya yung number sa cellphone ko! Bitch talaga! FVCK! Then ayun na, sinabi saken ni crush na sinabi ng pamangkin ko na niloloko ko lang daw siya dahil may boyfriend daw ako.  Syempre ako naman si todo tange dahil hindi naman yun totoo. Grabe, alam mo yung pakiramdam na sarili mo pang pamangkin yung sisira sayo para lang agawin yung lalakeng gusto mo. Eh ano nga naman ako kumpara sa pamangkin ko. Mas maganda, payat at maputi siya. Ano naman laban ko dun? So ayun na nga. Hindi na nagtetext si crush saken, kung dati ako lagi may katext aba ngayon si pamangkin hindi halos mabitawan yung cellphone niya. Ilang araw ko siyang hindi binati nun sa loob ng pamamahay namin dahil sobrang galit nga ako sakanya.  Tapos sa sala ako natutulog at dun siya sa kwarto ko, bait ko eh. Then eto na yung time na sobra akong nasaktan. Inapproach ako ni pamangkin at nagsorry. Ako naman si tanga nagpatawad kahit sobrang sakit. Kasi in the first place pamangkin ko siya eh. Tapos dumating yung point na baligtad na yung nangyayare, sila na yung naguusap, sila na yung magkatext tapos ako tamang tahimik lang. 

Then one time nagpasama yung pamangkin ko kasi pinapupunta daw siya sa bahay nila crush, hindi kasi siya pwede umalis ng hindi ako kasama. So ako naman si tanga sumama para lang din makita si crush. Pagkapasok namin sa bahay nakita ko si crush at yung isang niyang tropa. Tapos may inabot kay pamangkin. Pasalubong galing sa baguio. Tapos sabi nung tropa niya “Oi pre etong isa wala?” *Akward silence* Tapos biglang nalang akong sumigaw“Tara laro na tayo ng Scrabble” Alam mo yung pakiramdam ko nun habang nakikita silang dalawa para akong pinupunit sa sakit. Yung pinangarap kong lalake eh mapupunta lang sa pamangkin ko. Hanggang sa nabalitaan ko nalang nung bago umuwi yung pamangkin ko galing sa bakasyon dito samen ay officially mag On na daw sila. At si crush pa ang naghatid sakanya pauwi ng Manila. Saket no? Wala eh. Sobrang mapagbigay at mabait ako eh. Kahit na alam kong masakit nagpaubaya nalang ako dahil ako ang mas nakakatanda at ako ang tita. Kahit naman na alam niyang mali yung ginawa niya hindi parin niya ititigil yun dahil maraming nagsasabing Bitch ang pamangkin ko. Well, i guess tama nga sila dahil kahit ako na tita niya ay kinatalo niya dahil lang sa isang lalake na alam niyang gustong gusto ko. 

Pero thankful ako kasi hindi rin naman sila nagtagal almost two months lang sila kase narealize daw ni crush na hindi sila bagay dahil sobrang childish daw ng pamangkin ko which is true. Naalala ko pa nun tumawag yung pamangkin ko at kinwento nga na break na sila ni (*insert crush name) kase parang kapatid lang daw ang turing ni crush sakanya. Of course dinamayan ko naman siya pero deep inside eh masaya ako dahil wala na sila at magkakachance na siguro ako? Pero later on, hindi ko na din tinuloy yung pag paparamdam kay crush. Nafall out of like? Ewan? Well, let me put it this way,  ano nalang sasabihn ng parents ko o ng ibang relatives ko once na naging kame? Eh nakilala na siya as boyfriend ng pamangkin ko and later on as her Ex. Ano ako taga salo ng trashbag ng pamangkin ko, or baka ako pa ang mapagkamalan na nanulot ng boyfriend diba?  

At may natutunan ako sa karanasan ko na to, na lagyan ng password ang phone sa kahit anu mang pangyayari.. Until now? Still hoping parin ako sa lovestory namin ni crush. Hahahah lol. Kahit na may gilfriend na siya ngayon at nasa ibang bansa na. 





Tuesday, 2 June 2015

Best Day Ever

Siguro eto na yung pinakamasayang araw/summer ko. Well, guess what. Officially pasado na ako sa Final term ng thesis ko. Sobrang nakakaoverwelm lang talaga.  Sobrang nagpapasalamat ako unang una sa Diyos Ama dahil hindi niya ko pinabayaan, sa adviser at technical ko pati dun sa mga panelist. Pero higit sa lahat eh dun sa coordinator ng thesis namin simula umpisa hanggang dulo. Dati akala ko napakasungit niya. Takot nga ako dati eh, kasi parang hindi siya aproachable. Pero mali pala ako. Sobrang bait niya pala talaga. Minsan nga napapanaginipan ko pa siya. Well, anyways.. Hindi ko talaga mapigilan yung iyak ko kanina, sobrang hopeless ako pero atleast sabi ni mam pasado na ako, at huwag na mag alala kasi magmamarcha na ako sa oktubre. Alam mo yung sipon ko nun talagang naguumapaw,kulang na nga lang eh yakapin ko siya at umiyak sa balikat niya. Wag ka, kase talagang kailangan kong iyakan yun, dahil ilang beses ko na tong pinangarap at ngayon ay makakamtam ko na. 

Nakakalungkot man na iiwan ko na ang aking pinakamamahal na unibersidad eh hindi naman mawawala yung mga magagandang memorya dun, sa mga instructor ko at sa mga kaklase pati na din sa  mga tao sa office na laging nagtatanong pag pumupunta ako kung kelan ba daw ako gagraduate. Parang dati lang nung bagong pasok pa ko dun, nene days pa pero ngayon gurang na este matured na. Halos magiisang dekada na ko sa kolehiyo De joke basta ayoko na sabihin kung ilang taon ako dun, pero ganito pala talaga pakiramdam once na alam mong malapit ka nang makatapos at malapit mo nang mabigyan ng diploma yung mga magulang mo na ilang taon nilang pinaghirapan simula ng bata ka pa (Teka naiiyak ako! Drama ko shet!) Basta, sobrang masaya talaga ako lalo na ngayon na pwede na akong magaaplly at makakuha ng magandang trabaho para masuklian ang hirap na dinanas ng mga magulang ko. Ibibigay ko sakanila lahat ang kaya ko kasi sila lang naman ang laging nandyan para sa akin eh. Sila lang at wala ng iba pa.